Another month for Us bhe. thanks for sharing your life w/ me, i hope it will be FOREVER!!!
Im so thankfull to God at umabot tayo sa 11 months and wishing na maging panghabang buhay.
Even though hindi naging maganda ang araw natin pareho, i accept naman kasama talaga ang tampuhan/misunderstanding sa isang relasyon db?. Nagpapasalamat ako sa masasayang araw na nagdaan satin bhebe kahit ang mga sad moments in our life masaya ako at nalagpasan natin yun at hanggang ngayun matatag padin tayo, mahal na mahal kita bhebe at hindi yun nagbabago we both know sometimes nasasaktan natin ang isat-isa sa hindi sinasadyang pagkakataon, pero hindi yun magiging dahilan para magbago ang nararamdaman kong pagmamahal sayo, dahil hinding hindi yun magbabago at walang mkakapagpabago nun, alam ko madaming beses mo na naririnig sakin ang salitang mahal na mahal kita dahil hindi ako nagsasawang sabihin at iparamdam sayo kung gaano kita kamahal kaligayahan kong mahalin ka at wala akong ibang alam na gawin, kundi ang mahalin ka, hindi man kita nakakamasa ngayon gusto ko kasi maramdaman mo na kahit malayo ako sayo kaya kong iparamdam sayo na nandito lang ako sa kahit na anong oras mo ako kailanganin, nandito lang ako palagi para sayo, at hindi ako mawawala.
Alam mo bhe palagi kitang na mimiss kahit naguusap tayo nagchachat palagi kitang gustong makasama, wala akong ibang hiling kay God kundi dumating ang araw na makasama na talaga kita yung totoong mayayakap, mahahawakan at mahahalikan kita, lagi akong nasasabik sayo, pero hindi naman ibig sabihin nun hindi ako masaya sa sitwasyon natin, masaya din naman ako pero iba parin kasi ang saya at pakiramdam kung talagang kasama na kita, alam ko naman didinggin ni God ang hiling ko at dadating din ang araw na yun, handa naman akong mag-intay mangyari lang yun, mahal na mahal kita at alam niya yun, IKAW ang ginawa niyang dahilan para ngumiti ako at harapin ng may kadamay ang hamon ng buhay, wala akong ibang gustong gawin kundi ang maging isang mabuting girlfriend, kaibigan, kadamay, at magiging asawa sa mata mo, sa mata ng ibang tao at higit sa lahat sa mata ng Diyos, dahil hindi ko sasayangin ang pagkakataon na binigay niya sakin para mahalin ka at maging masaya sa piling mo, alam kong madami pang dadating na pagsubok sa buhay natin at sa relasyon natin, at ipinapangako ko haharapin natin yun dalawa at walang iwanan huh, kasi pag iniwan moko hindi ko kayang mag-isa. =[
Salamat bhe sa Pagmamahal mo, sana hindi ka magsawang mahalin ako, sana IKAW na nga... dahil IKAW lang hiling ko wala ng iba...
Iloveyou bhebe.
kae ^o^